386 - Humilig Ka sa Kamay ni Jesus

Humilig ka sa kamay ni Jesus
Na tumutulong at nagkukupkop,
Kung ikaw ay aasang mataos
Tutulungang lubos.

REFRAIN

Humilig ka sa Kanyang kamay
Humilig ka't aalalayan,
Humilig ka na at h'wag lumiban
Di ka babayaan.

Humilig ka sa kamay ni Jesus
Liliwanagan ang iyong loob,
Sumunod ka na sa Mananakop
Saan man umabot.

REFRAIN

Humilig ka sa Kanyang kamay
Humilig ka't aalalayan,
Humilig ka na at h'wag lumiban
Di ka babayaan.

Humilig ka sa kamay ni Jesus
Manatiling tapat sa pagsunod,
Upang tamuhin mo ang kaloob
Na pangako ng Diyos.

REFRAIN

Humilig ka sa Kanyang kamay
Humilig ka't aalalayan,
Humilig ka na at h'wag lumiban
Di ka babayaan.

Humilig ka sa kamay ni Jesus
At paingatan ang lahat sa Diyos
Ang habag Niya ay walang pagod
Sa nagsisisunod.

REFRAIN

Humilig ka sa Kanyang kamay
Humilig ka't aalalayan,
Humilig ka na at h'wag lumiban
Di ka babayaan.

0:00 0:00